Friday, October 11, 2013

BOB ONG



BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?

Sinimulan ng may-akda ang kwento sa pamamagitan ng pag-presenta ng isang dayalogo sa pagitan ng kanyang among banyaga at katrabaho. Sa lagay nila, hindi sila makaalis sa isang pulis na naghihintay ng lagay. Uso pa noon ang red tape o labis na ‘di pagsunod sa batas.
Sa paglalahad ng nobelang ito, naging malikhain ang may-akda sa kung paano niya ilalahad ang ideya ng pagiging “bobo” ng mga Pilipino. Nagpresenta siya ng isang sitwasyon kung saan sinabak ang isang Pinoy sa game show na oras ang labanan. Pilit na nagkakamali ang ating Pinoy contestant. ‘Di mo namamalayan, mapapatanong ka na lang, “ganyan na ba talaga ka-bobo ang mga Pilipino?” Kalat sa buong libro ang suliranin ng ating bida. Kasabay na ng pagpresenta ng kaisipang ito ang pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Sa mga bagay kung saan tayo tanyag, mga paraan na kung iisipin ay malayong-malayo sa paraan ng ibang bansa. Sa isang paraan na ‘di kaya gawin ng ilang manunulat, nailahad ito ni Bob Ong nang nakakukuha ang atensyon ng marami sa atin. Sa puntong ito, inilahad ang pagiging mahina natin sa maraming bagay, mapa-ingles man o matematika, pagdedesisyon man para sa sariling bayan o sa sarili lamang. Sa paglalahad niya, natanim sa isip ng kanyang mga mambabasa na ganito ang mga Pilipino, at marahil, ganito rin ang tingin ng mga dayuhan—at maaari ring hindi.
Sa kalagitnaan ng nobela, unti-unti nang lumilitaw ang problema na nais ilahad ni Bob Ong. Sa puntong ito na rin lumabas ang suliranin ni Juan. Kung ano ito ay tinalakay sa artikulo ni Barth Suretsky, isang Amerikano. Pansinin na Amerikano pa ang naalarma sa suliranin nating mga Pilipino:
“…ang mga pangit na ugaling ipinapakita ng maraming Pilipino ay sintomas ng kakulangan sa pagmamahal sa sarili, ng respeto at pagmamahal sa bansang kinagisnan, at higit sa lahat, ng kaisipan na sumuko na sa paghahangad ng pagbabago at kaunlaran.”
Kalaban ni Juan ang kanyang sarili. Ayaw na isipin ng ating bayani na may pag-asa pang umunlad ang kanyang bayan. Nawalan na siya ng pananalig na may igaganda pa ang kanyang Inang Bayan. Isang panloob na tunggalian rin ang nagaganap, dahil labis itong naguguluhan kung aling kultura ang dapat niyang sundin. Ang kanya ba, o ang kay Uncle Sam?
Paano mo nga ba maipipinta ang bayan mo sa telang puno na ng mantsa? At kung saka-sakaling mabago nga ang pangalan ng Pilipinas, magbabago ba ang tingin sa atin ng mga dayuhan? Babango ba ang rosas kapag nagbago ito ng pangalan? ‘Yan ang mga tanong na binato ni Bob Ong sa kasukdulan ng kanyang nobela. Kung iisipin, kakaunti lamang ang sasagot sa atin ng seryoso sa mga ganyang tanong. Ngunit kasabay ng pagbato ni Bob Ong ng mga tanong na ito, sinagot siya ng mga manunulat ni Juan, pati na rin ni Uncle Sam. Mga sagot na tila nakakapukaw ng pagka-Pilipino sa atin. Isang pagpukaw na dapat na nating ipagtanggol ang pagiging Pilipino ng bawat isa dahil minamaliit na tayo ng mga dayuhan at binabalewala na tayo ng gobyerno at ng mga opisyal na dapat ay pinagsisilbihan tayo. Kailangan pa bang matapakan tayo ng ilang beses bago tayo gumawa ng hakbang at gumalaw? Kailangan pa bang madaganan at madumihan ang pagkatao natin bago tayo magising sa katotohanang tayo lang ang makakapagpabangon ng sarili nating bayan? Lumabas ang katotohanang tayo mismo ang problema. Kulang na raw tayo sa pagkakaisa. Nagkaisa man ang bansa, overnight lang at may kasama pang mga tanke, karatulang tela, wristbands at kung anu-ano pang abubot, maipakita lang na nagkakaisa sila. Pero matapos ang mga gabing iyon, larawan lang ng maduming EDSA ang nanatili. Napatalsik na ang pinuno. Nawala na rin pati ang pagkakaisa.
Sa kakalasan ng nobelang nilahad, sinabi ng may-akda na dapat ng umaksyon ni Juan Tamad. Kailangan pa umano ng mga Pilipino ang mapuri bago maipagmalaki ang sarili nitong bayan. Walang mapapala ang mga Pilipinong walang ginawa kung hindi ang magsisihan at mag turuan. Kulang ang pagmamalasakit sa bayan, kailangan ng gumawa ng aksyon para masolusyunan ang problema.
Sa pagwawakas ng nobela, sinabi ni Bob Ong:
“Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinapahayag: ‘May problema ang bansa, mangangailangan ito ng tulong mo.’ ‘Yan lang ang simpleng mensahe. Hindi na importante kung may iba kang opinyon, ang importante’y isa ka ring nagmamalasakit.”
Ito ang simpleng panawagan ng libro. Magpakita ng kahit kaunting malasakit para sa naghihingalong bansa. Napakadaling isipin na makakatulong ka, ang problema ay kung paano mo ito maisasakatuparan.
“Samantala, wala pa ring malinaw na lunas para sa sakiting bansa. Walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat, at walang gustong magbigay ng gamot.”
Sa tinggin ko, dapat nang tugunan at pagbuhusan ng panahon ni Juan ang kanyang Inang Bayan. Sa bawat pagsikat ng araw sa bagong umaga, kasabay nito ang pag-asa. Pag-asa na uunlad pa ang Pilipinas. Ang kailangan lamang gawin ay gumalaw, paganihin ang utak, at magsilbi ng tama sa bayan.


EXPLANATION:

As a writer has said in his introduction , the yellow book out called the internet focusing on the opinions of people or stories barber . In presenting author in his novel, he cleared the contents of his book are all BobongPinoy.com article from which this writer its webmaster. The BobongPinoy.com is the site of Bob Ong , the writer , focusing on faulty and beauty of being Filipino . Established it sit for president Joseph " Erap " Estrada , and disbanded after it dropped her serving . Here , independent stand conversation Filipinos within and outside the country , to discuss what is happening in his hometown . Maps politics and government ever , independent changed estimation Bobongpinoy the visitors . Bob Ong said that here , for he addressed million million readers to reveal their agenda using the internet . Perhaps then, Bob Ong succeeded his goal . The Filipinos speak and expressed their thoughts in front of many Filipinos and foreigners .


Many inadequacies made ​​sure that was Erap and build another site to publicize his inadequacies ? In the picture you can see the yellow book , for he shows , as a symbol of Filipinos lazy , indifferent and ignorant. He was with John Lazy to waiting for nothing, and Uncle Sam support any proposal that, advantageous or disadvantageous for the country.
Because of the dissolution of such sites, felt impressed by Bob Ong translate a book BobongPinoy empty . Why is it that led to the Reverse Book Read the Filipinos . It also called yellow book as planned ' in citing authors simulate the " For Dummies " book series .
Many writers proclaimed point in his book . You are unavoidably mapatanong yourself on the stone of the book 'to . Sometimes , you just mapapaisip "certainly go ... " or " Why is that so ? " In reading it , shalt real condition of the nation trampled now.



No comments:

Post a Comment